Tulad nina ate Guy at Venus Ray, Melai patutunayan muli sa mga Pinoy viewers na ‘Brown is Beautiful!’ sa “PHR presents ‘Mana Po’”
Sa panahon ngayon, di ba’t ba luma na ang ideya na nakakahiya ang maging “negro” o “negra?” Lalo na’t marami sa atin ang hanggang ngayon ay tagahanga nina Michael Jackson, Mariah Carey, Usher, etc (sa musika), Michael Jordan (sa sports) at Oprah Winfrey (na itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang babae sa buong mundo at ang siyang nasa likod ng napakabilis na pagsikat ni Charice sa Hollywood)? Siyempre pa, nariyan din ang power couple na sina US President Barack Obama at ang kanyang First Lady na si Michele. Ilan lamang sila sa mga sikat, highly successful at mga respected personalities sa loob at labas ng Amerika na nagkataon lang na sila’y negro/negra.
Dito man sa Pilipinas, nariyan sina superstar Nora Aunor, world boxing champ Manny Pacquiao at Ms Universe 4th runner up Venus Raj na nagpapatunay na ang morenong kulay ng balat ay hindi isang ‘kakulangan’ o hadlang para magtamo tagumpay. Kung sa Amerika, tanggap na tanggap na ng marami ang kasabihan na ‘black is beautiful.’ Dito sa Pilipinas, mas angkop para sa atin ang sabihin na ‘brown is beautiful!’
At ganitong-ganito ang ideya sa likod ng pinag-uusapang ‘pagbabagong-anyo’ ni Melai Cantiveros sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Precious Hearts Romances Presents ‘Mana Po’”, sa direksyon nina Katski Flores at Ted Boborol na mapapanood simula February 21.
Bilang si Brandi, gagampanan ni Melai ang papel ng isang dalagang tanggap at ipinagmamalaki ang kanyang natatanging ‘ganda’, anoman ang sabihin ng mundo, isang modern-day young Pinay na handa at kayang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang kanyang mga karapatan. Dahil sa mas progresibo at positibong mga pananaw na ito ng ‘Mana Po’, masasabing sa kuwento pa lang ay angat na nga programa kaya hindi nakakapanghinayang ng oras at kuryente na panoorin at tutukan ng mga manonood. Idagdag pa ang nakatutuwa at nakakikilig na ‘reel and real life love team’ nina Melai at Jason na unang sinubaybayan ng milyung-milyong mga Pinoy sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ at masasabing totoong kumpletong-kumpleto na nga sa sangkap ang ‘Mana Po’ para maging isang paborito at kasasabikan na programa sa hapon ng ABS-CBN.
note: SuperStarValue creator Ramon Bayron is part of the creative team behind 'Mana Po'
note: SuperStarValue creator Ramon Bayron is part of the creative team behind 'Mana Po'
No comments:
Post a Comment